TATSULOK

18 03 2007

 

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Ngunit ng suminag,kay daming mga tao,
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo


Actions

Information

4 responses to “TATSULOK”

18 03 2007
melai (22:31:22) :

naks!
pareho ng sounds sa bahay ko :)

19 03 2007
the bystander (00:26:53) :

haha. pero socially relevant song yan gawa ng mga aktibista nung martial law years pa (kung di ako nagkakamali). binigyan lang ng bagong interpretation ni bamboo.

19 03 2007
mschumey07 (05:36:16) :

Kagaya yan sa networking, ang nasa tututok ang naka-upo habang ang nasa downline ay nakalugmok. T

19 03 2007
melai (17:37:36) :

hmmnn kinanta ng Buklod noong mid 80’s pagkabagsak ng Marcos Dictatorship yata, late 80’s ko siya unang narinig ..ang tanong ng maraming ginawa yang halos pambansang awit syempre mga tibak yun ..e kung naiintindihan ba ni Bamboo ang kinakanta nya, sana lang nga kahit paano :)

Leave a comment

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>